Alam niyo ba? Alam niyo ba kung bakit maraming pilipino ang naghihirap? Kung bakit maraming mga bata hindi makapagtapos nang pag aaral? Kung bakit maraming namamatay dahil sa gutom? Isa sa mga dahilan ay ang korapsyon, Korapsyon sa ating gobyerno. Palagi natin naririnig sa mga nangangampanya na aalisin daw nila ang mga korap pag sila ay mananalo sa election pero hanggang salita lang sila hindi nila kayang gawin bakit? Dahil sila mismo ay mga korap nasisilaw sa pera ni di man lang nila inisip yung mga pilipino na nag hihirap na upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Maraming mga bata ang hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil kulang sila sa pera. Ang korapsyon ay hindi lamang nakakaapekto sa buhay ng mga tao sinisira pa nito, maraming tao ang na ngangailangan ng tulong ngunit yung ibang mga politiko ninanakaw pa din yung pera na nakalaan sa mga mahihirap. Di man lang nila iniisip yung iba sarili lamang nila yung iniisip nila. May nakalaan ngang pera sa mga mahihihrap pero may mga politiko talaga na magnanakaw. Isa sa kanilang paraan ng korapsyon ay ang kanilang mga programa at mga proyekto. Humihiingi sila ng pera sa gobyerno para gumawa nga mga programa at mga proyekto at pagsila’y humingi sobra-sobra pa atsaka ibubulsapa nila yung iba At isa rin sa mga rason kung bakit naghihirap yung iba eh yung kawalan ng mapapasukang trabaho at kasabay panito ang pagtataas presyo ng mga bilihin. At huli ang katamaran hindi natin makakait ang mga pilipino ay kadalasang tamad lalo na yung mayayaman palagi na lang umaasa samga katulong di gaya ng mga mahihirap na talagang ang sisikap and nagsasakripisyo. Na uuna ang katamaran kaya minsan sila na nga yung makakapag-aral sila pa yung nagbabalewa sa pag-aaral at di nagpupursige kaya yung iba hindi makapagtapos.
Alam niyo ba na dahil sa kahirapan maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan dahil sa kakulangan sa pera?
Sila ay napipilitan at walang ibang maaring gawin kundi gawin ang mga bagay na hinid ka nais-nais. Kaya tumataas na yung numero ng crimen sa ating bansa, marami din ang namamatay dahil dito ngunit wala pa rin ginagawa ang mga pinuno. Maraming paraan upang maagapan kung talagang gugustuhin natin ma agapan ang kahirapan. Marami din namang mahihirap na naktamasa ng kaginhawaan dahil sila’y pursigido ginawa nila ang makakaya nila sila’y nagsakripisyo at nag pursige. Ang kahirapan ay may solusyon at makakamit lang natin ito pag tayo ay mag ka isa. Kailangan natin magtulungan. Para sa bayan tayo ay magkaisa.